Tsunami sa Indonesia, nag-iwan na ng higit 200 patay, 800 sugatan

Indonesia – Pumalo na sa 222 katao ang patay, 843 sugatan at 28 ang nawawala matapos humagupit ang tsunami bunsod ng pagputok ng ‘Anak Krakatua’ volcano sa Sunda Strait, Indonesia.

Ayon kay Sutopo Purwo Nugroho, pinuno ng Indonesia National Disaster Mitigation Agency – aabot sa 558 bahay ang nasira, siyam na hotel, 60 restaurant, 350 sasakyang pandagat ang napinsala.

Kinumpirma rin na walang dayuhang kabilang sa casualties.


Inaasahang dadami pa ang bilang ng mga nasawi.

Lumalabas din sa pagsisiyasat ng Indonesia Meteorology, Climatology and Geological Agency (BMKG) na bukod sa pagyanig na idinulot ng pagputok ng bulkan, posibleng na-enhance ang tsunami dahil sa full moon.

Samantala, nanawagan naman si Pope Francis na ipagdasal ang mga biktima ng kalamidad.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay si U.S. President Donald Trump.

Facebook Comments