Tsunami warning, ipinalabas sa Japan at Pacific islands kasunod ng pagsabog ng underwater volcano sa Tonga

Nagpalabas ng tsunami warning ang Japan Meteorological Agency kasunod ng pagsabog ng isang underwater volcano na malapit sa Tonga kahapon.

Ayon sa mga awtoridad, maaaring tumama sa Amami islands ang mga alon na may taas na tatlong metro o 9.84 feet.

Dahil dito, pinalilikas na rin ang mga residenteng maaaring maapektuhan ng tsunami sa Japan.


Inabisuhan din ang mga tao na huwag lumapit sa dagat hangga’t hindi inaalis ang tsunami advisory.

Samantala, ayon sa isang US-based tsunami monitor, naobserbahan din ang tsunami waves sa capital ng Tonga at capital ng Amercian Samoa.

Nagdulot din ito ng 1.2-meter tsunami wave sa Nuku’alofa ayon naman sa Australia’s Bureau of Meteorology.

Samantala, nagpalabas na rin ng tsunami warning ang Fiji, New Zealand, US at Canadian Pcific coast.

Wala namang naitalang casualty kasunod ng pagsabog ng Hunga Tonga-Hunga Ha’apai volcano.

Facebook Comments