Tsuper, arestado ng panggagahasa sa 12-anyos na nakasakay sa backseat

772

BROOKLYN, New York City – Arestado ang isang livery cab driver matapos ireklamo ng panggagahasa ng 12-anyos babae na noo’y nakasakay sa backseat ng minamanehong sasakyan.

Ayon sa report ng pulisya, dakong 6:00 pm ng Lunes nang isakay ng suspek na si Rafael Martinez, 32, ang biktima na galing sa bahay ng kaanak nito sa Fort Greene.


Pauwi na sana ito sa kanilang bahay sa Bedford-Styvesant nang mangyari ang insidente.

Itinigil na lang daw bigla ni Martinez ang sasakyan habang nasa 4-mile trip ang dalawa, tinalon sa backseat ang batang pasahero saka ito ginahasa.

Matapos ang insidente ay ibinaba ng suspek ang biktima sa destinasyon nito.

Bandang 8:45 ng gabi nang tawagan ang pulisya para ipaalam ang nangyari sa bata na noo’y nasa Woodhull Hospital.




Agad na natunton ang lokasyon ni Martinez sa tulong ng kanyang amo.

Humaharap naman ito sa patung-patong na reklamo kagaya ng rape, criminal sex act at sex abuse.

Tinanggal na rin ito sa trabaho habang ang kanya namang pinanggalingang kumpanya ay hindi na nagbigay ng anumang pahayag.

Facebook Comments