TSUPER, HULI SA DRUG BUYBUST OPERATIONS SA SANTIAGO CITY!

142

*Cauayan City – **T*iklo at hindi na nakapalag ang isang tsuper na kumpirmadong nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa Santiago City.

Nakilala ang suspek na si Leonard Laurian, 35 anyos at residente ng Brgy. Plaridel, Santiago City. Si Laurian ay nakasama sa listahan ng Directorate for Intelligence mula sa PNP.

Matapos ang ilang araw na masinsinang pagmamanman sa gawain ng suspek ay isinagawang operasyon ng Station 02 ng SCPO, katuwang ang City at Regional Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.


Narekober sa pag-iingat ni Laurian ang isang pakete na naglalaman ng pinaniwalaang shabu at marked money na Php.1,000 na ginamit ng police asset na nagpanggap bilang buyer.

Ang suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Santiago.

Facebook Comments