Tsuper, Huli sa Pagbebenta ng Droga!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang Tricycle driver matapos mahulog sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad pasado ala una kaninang madaling araw sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Jaymar Valiente, 28 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), napag-alaman ng mga kasapi ng PNP Cauayan City na nagbebenta umano ng bawal na gamot ang suspek kaya’t agad na naglatag ng operasyon ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakadakip ni Valiente.


Nabili ng isang poseur buyer mula sa suspek ang isang pakete ng sigarilyo na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nakuha naman mula sa pag-iingat ng suspek ang limang daang piso na marked money, isang cellphone, lighter, isang sling bag at pera na nagkakahalaga ng mahigit dalawang daang piso.

Nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments