Tsuper, Huli sa Pagpapaputok ng Baril!

59

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki dahil sa pagpapaputok nito ng baril sa Brgy Calamagui 1st, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impomasyon ng 98.5 iFM Cauayan, bandang alas 11:30 kagabi nang magresponde ang kapulisan sa natanggap na sumbong mula sa isang concerned citizen kaugnay sa pagpapaputok ng baril ng suspek na kinilalang si Dominador Abarra, 32 anyos, may asawa, traysikel drayber at residente ng naturang lugar.


Agad na hinuli si Abarra matapos itong mabigo na magprisenta ng kaukulang dokumento ng kanyang hawak na baril.

Nakumpiska sa pag-iingat ni Abarra ang isang (1) Thompson na baril na may anim (6) na bala ng Cal.45.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments