Tsuper, Kulong sa Pagbebenta ng Droga

Cauayan City, Isabela- Bagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang isang lalaki matapos itong magpositibo sa drug buybust operation ng Solana Police Sation particular sa isang pansitan sa Brgy. Dassun, Solana, Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Ronald Lingan, 32 anyos, may-asawa, drayber at residente ng Brgy. Bauan East, Solana, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pinangunahan ni PCapt Jhun jhun Balisi ang pagsasagawa ng buybust operation laban kay Lingan kung saan ay nabentahan ng suspek ang poseur buyer ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu kapalit ang halagang Php500.00.


Nasa pangangalaga ngayon ng pulisya ang suspek at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na isasampa laban sa kanya.

Facebook Comments