Tsuper na may Kasong Kinakaharap, Arestado!

Santiago City, Isabela- Nasa kamay na ng kapulisan ang isang lalaki na may kasong Pagnanakaw na naitala noong Hulyo 27, 2015.

Ang nahuli ay kinilalang si Joeper Ilagan, trentay uno anyos, tsuper ng tricycle at residente ng Baptista Village, Calao East, Santiago City.

Si Ilagan ay nadakip ngayong araw, April 11, 2018 sa pinagsanib pwersa ng Santiago City Police Station 1, City Intelligence Branch at Santiago City Police Office sa pangunguna ni PCI Rafael Cabonitalla mula sa inihaing Warrant of Arrest ni hukom Efren M. Cacatian ng RTC, Second Judicial Region, Branch 35, Santiago City.


Si Ilagan ay pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng piyansang dalawampung libong piso.

Facebook Comments