Tsuper na may Kasong Paglabag sa RA 9262, Nadakip sa Jones, Isabela

Cauayan City, Isabela- Nasa kamay na ng PNP Jones, Isabela ang suspek na may dalawang kasong Paglabag sa RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 alas otso y medya kaninang umaga, Abril bente tres taong kasalukuyan sa barangay San Vicente, Jones, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, Ang nadakip ay kinilalang si Domingo Agbayani, trenta anyos, walang asawa, drayber at residente ng naturang barangay.

Si Agbayani ay nadakip ng PNP Jones sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela noong ika-sampu ng Abril taong kasalukuyan dahil sa kaso nitong 2 counts na paglabag sa RA 9262.


Nasa kustodiya na ng PNP Jones ang suspek at pansamantalang makakalaya kung ito ay makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng dalawampu’t apat na libong piso.

Facebook Comments