Tsuper na Wanted sa Batas, Arestado!

*Echague, Isabela- *Huli ang isang drayber na wanted sa batas matapos na isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Pangal Sur, Echague, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Bernardo Rivera, 42 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Pangal Sur, Echague, Isabela.

Hinuli si Rivera sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Michelle Videz ng MTC Echague, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide and Damage to Property.


Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P15,000.00.

Facebook Comments