Tsuper ng Bus, Arestado sa tangkang Pagpatay

123

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang tsuper ng bus matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito kaninang umaga sa Brgy. Samonte, Quezon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Edwin Cabunot,46 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Arellano sa nasabing bayan.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Quezon, dinakip ang akusado ng kapulisan sa pangunguna ni P/Capt. Fresiel Dela Cruz matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Rodolfo Dizon ng RTC Br. 18 Ilagan City para sa kasong Attempted Murder sa ilalim ng criminal case no. 9043 na may petsang Oktubre 22,2019.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapagpiyansa ng halagang (120,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang disposisyon laban dito.

Facebook Comments

From Advertisers