Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa halagang P37,000 ang natanggap ng isang Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) driver na si Oliver Unciano mula sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay galing sa kanyang natanggap na P4,000 initial payout, weekly payout na nagkakahalaga ng P8,000, at P25,000 one-time onboarding incentive.
Si Ginoong Oliver ay isa sa mga tsuper na nagmamaneho ng Traditional PUJ na tumatakbo sa rutang Gonzaga – Aparri and Vice Versa sa Cagayan.
Taos puso namang nagpapasalamat sa LTFRB si Ginoong Oliver dahil sa tulong na ibinigay sa kanya ngayong panahon ng pandemya.
Layunin ng Service Contracting Program na matulungan ang mga katulad ni Oliver na magkaroon ng karagdagang kita sa pamamasada sa gitna ng pandemya.
Kaugnay nito, upang maging bahagi ng Service Contracting, ang mga interesadong driver mula sa ibang rehiyon ay maaaring dumulog sa nasasakupang LTFRB Regional Franchising and Regulatory Offices (RFRO).
Maaaring magrehistro ang interesadong driver na bukas na ang ruta ngayong pandemya sa pamamagitan ng link na ito: www.servicecontracting.ph. <l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.servicecontracting.ph%2F%3Ffbclid%3DIwAR0174CvSGiso60b1kkWC919Lzzd2rHoX2IFr2vAYexidsogGnbqJzUI86A&h=AT3fhG-rDLa2kBt0UMYqKWzQSTX7mA0juqSdQz6KQz-ypqTxdTlCLvFSE…>
Upang magsilbing gabay sa pag rehistro sa programa, maaari lamang ay panoorin ang video na ito: bit.ly/SCInfomercialVideo <l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fbit.ly%2FSCInfomercialVideo%3Ffbclid%3DIwAR3wqRCH2E2tj9kwoOP3O9vP5XkIUY4VTK1drisx99h1FBVAZcmUYUco-eI&h=AT22VnBEM5qFm7b9QHJNPBSkgAerFw3uxGMz0jxXgwBPGoi92kk1beJCk…>.
Pinapayuhan din ang mga magrerehistrong drayber na regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw.