Tsuper ng Motorsiklo, Patay matapos Makaladkad ng Trailer Truck

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang tsuper ng motorsiklo matapos bumangga at makaladkad ng isang truck sa kahabaan ng Brgy. Nagcartuelan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktima na si Carlito Malia, 31 anyos at residente ng Brgy. Cutar, Aritao habang kinilala ang driver ng truck na si Erwin Baccay na residente ng Brgy. Alibadabad, San Mariano, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ni Police Executive Master Sergeant Dennis Estrada, Imbestigador ng PNP Aritao, sinabi nito na habang binabagtas ng biktima ang nasabing lansangan upang magtungo sa Brgy Bone North para dalawin ang kanyang kaibigan ay nag overtake ito na aksidente namang bumangga sa likurang bahagi ng sinusundang SUV.


Lumabas pa sa imbestgasyon na nawalan ng kontrol ang biktima at bumangga sa paparating na truck at nakaladkad pa ng ilang metro.

Isinugod sa ospital si Malia subalit namatay dahil sa malubhang sugat na tinamo ng kanyang katawan.

Halos maihiwalay umano ang kamay ng biktima dahil sa malakas na impact ng kanyang pagkakabangga.

Facebook Comments