Tsuper ng Tricycle, Arestado sa Kasong Arson

*Cauayan City, Isabela*- Tuluyan ng dinakip ng mga otoridad ang isang tsuper ng tricycle matapos isilbi ang warrant of arrest nito pasado 2:00 ng hapon kanina sa Brgy. District 2, Tumauini, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Antonio Consul, 40 anyos, walang asawa na residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Tumauini, inaresto ang tsuper sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni kagalang galang hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Br. 22 Cabagan Isabela para sa kasong Arson sa ilalim ng criminal case no. 22-3936 na may petsang Agosto 23, 2019 dahil sa hindi pagsipot nito sa mga nagdaang hearing.


Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments