CAUAYAN CITY – Sinilbihan ng Mandamyento De Aresto ang isang tricycle driver mula sa Lungsod ng Tuguegarao, lalawigan ng Cagayan.
Ang suspek ay kinilala bilang si alyas “Erick”, 36 taong gulang, may asawa, at residente ng lungsod ng Tuguegarao.
Si alyas “Erick” ay nahaharap sa krimeng Alarm and Scandal na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php2,000.00, at kasong Assault Upon an Agent of a Person in Authority na mayroon namang inirekomendang piyansa na nagkakahalaga naman ng Php 6,000.00 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan, ang akusado ay nasa pangangalaga na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Facebook Comments