Tsuper sa Gattaran, Cagayan, Timbog sa Search Warrant Operation!

Gattaran, Cagayan – Arestado ang isang tsuper matapos masamsaman ng mga iligal na uri ng baril at bala noong lunes, Marso 11, 2019 sa Brgy. Naddungan, Gattaran, Cagayan.

Kinilala ang nadakip na si Magno Jacinto Sahagun, 50 anyos, may asawa, isang tsuper at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, sinilbihan ng Search Warrant si Sahagun na ipinalabas ni hukom Clifford L.C. Sobrevilla ng MTC Gattaran, Cagayan at matagumpay na nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang grenade, isang cal 45 na may dalawang magazine, dalawampu’t aput na live ammunitions ng Cal. 45.


Nasa himpilan na ng PNP Gattaran ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516.

Facebook Comments