Tsuper sa Qurino, Isabela, Arestado sa Kasong Panggagahasa!

619

*Quirino, Isabela- *Timbog ang isang tricycle driver matapos isilbi ang warrant of arrest nito pasado alas otso kaninang umaga sa Brgy San Juan, Quirino, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Anastacio Ganir, alyas Renato at residente ng Brgy San Juan, Quirino, Isabela.


Si Ganir ay may kasong panggagahasa at siya’y inaresto ng mga otoridad sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Br 23 Roxas, Isabela.

Dinala na sa Quirino Police Station si Ganir para sa karagdagang dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Anastacio Ganir.

Facebook Comments

From Advertisers