Tsuper sa Reina Mercedes, Isabela, Timbog sa Paglabag sa VAWC Law!

*Reina Mercedes, Isabela- *Timbog ang isang binatang tsuper matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kahapon sa Brgy. Tallungan, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang natimbog na suspek na si Christopher Castro Sequera, 37 anyos, isang driver at residente rin ng nasabing barangay.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay PO3 Mark Dennis Calimbo, ang Police Information Officer ng PNP Reina Mercedes, inaresto si Castro sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ni hukom Raul Babaran ng RTC 2nd Judicial Region Cauayan City dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o VAWC at may inirekomendang piyansang dalawampu’t anim na libong piso (26,000.00).


Ayon kay PO3 Calimbo, Kusa umanong umamin at sumuko sa mga otoridad ang suspek nang isilbi ang kanyang mandamiento de aresto.

Nakatakda namang dalhin ngayong araw sa court of origin ang suspek na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments