Tsuper sa Santiago City, Patay nang mabundol ng sasakyan!

*Santiago City- *Patay ang isang lalaki habang niallapatan ito ng lunas sa pagamutan matapos mabundol ng sasakyan sa Brgy. Malvar, Santiago City.

Kinilala ang nasawi na si Ferdinand Marcos, 49 anyos, may asawa, drayber, residente ng Brgy. Baluarte, Santiago City habang ang suspek na nakabangga ay si Maika Tutaan, 25 anyos, may asawa, negosyante at nakatira sa Brgy. Dubinan East, Santiago City.

Sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan sa Santiago City Traffic Group, habang tumatawid ang biktima sa lansangan partikular sa harapan ng Integrated Terminal Complex ay aksidenteng nabangga ng paparating na sasakyan.


Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima na isinugod pa sa pagamutan subalit binawian din ito ng buhay.

Samantala, sinubukang kuhanin ng RMN Cauayan ang panig ng suspek subalit tumanggi itong magbigay ng kanyang pahayag at nakatakda naman ngayong araw ang pag-uusap ng magkabilang panig.

Facebook Comments