Tsuper, Sugatan Matapos Ma-hit and Run!

45

Cauayan City, Isabela- Sugatan ang isang traysikel drayber matapos na ma-hit and run sa pambansang lansangan sa bahagi ng Brgy. Dist. 1, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Romeo Evangelistay, 62 anyos, may-asawa, at residente ng District 1, San Manuel, Isabela.


Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, habang binabaybay ng biktima ang lansangan lulan ang minamanehong traysikel na may plakang DC50771 ay bigla umanong nabangga sa likod ng sumusunod ng pulang Yamaha Nmax.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang drayber ng traysikel habang tumakas naman ang hindi pa nakikilalang drayber ng motorsiklo.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima para sa kaukulang lunas habang pinaghahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek.

Facebook Comments