Tsuper, Tinumbok ang Sinusundang Traysikel, Isa Patay!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos banggain ng isang tsuper ang sinasakyan nitong traysikel sa kahabaan ng national highway sa Barangay District 1 Cauayan City dakong alas sais kagabi, Mayo, 13, 2018.

Kinilala ang biktima at nasawi na si Loderick Edra, 40 anyos may-asawa at residente ng San Isidro Cauayan City samantalang kinilala naman ang suspek na si Nody Dizon, 48 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ni Police Chief Inspector Benigno Asuncion ang Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan, nakasakay umano ang biktima sa Kawasaki Barako 175 traysikel na minamaneho ng kapatid nitong si Eduardo Edra na sinusundan naman ng CT100 tricycle na minamaneho ng suspek na si Dizon at binabaybaybay ng mga ito ang nasabing lansangan patungong Alicia, Isabela ng hindi nagkaunawaan ang magkabilang panig dahil sa traffic dahilan upang biglang umikot pakaliwa ang suspek at binangga ang kasunod nitong traysikel na sinasakyan ng magkapatid na Edra.


Samantala, dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon palabas ng sidecar ng traysikel ang biktima at nagtamo sila ng matinding pinsala sa katawan na agad pang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ngunit hindi na umabot ng buhay ang si Loderick.

Agad na dinala naman ang suspek sa kustodiya ng PNP Cauayan para sa kanyang kaukulang kaparusahan.

Facebook Comments