Ttalo katao sugatan sa grenade throwing sa Pikit North Cotabato

Tatlo ang sugatan sa panghahagis ng granada sa isang tindahan na pagmamay-ari ni Mait Mama. Alas 7:00 kagabi sa brangay Colambog, Pikit, Cotabato.
Kinilala ang mga sugatan na sina Leonardo Baclayon 56 anyos, may asawa at sina Jerry Cardova 44 anyos, may asawa at si Ariel Abrenica 36 anyos, na kapwa residente ng barangay Colambog, Pikit, Cotabato
Ayon sa pagsisiyasat ng mga otoridad, kasalukyan umano nagsasaya ang mga biktima. Kung saan nag inoman sila sa nasabing tindahan ay bigla na lang sila tinapunan ng granada, dahilan ng pagkasugat nang tatlo.
Sa ngayon ay patuloy pang nagpapagaling ang tatlo sa Aleosan District Hospital sa bayan ng Aleosan Cotabato
Mabilis naman tumakas ang mga suspek sa hindi napag alaman dereksyon dahil madilim ang lugar na pinangyarihan ng krimen.
Sa ngayon ay kasalukuyan pang isinagawa ang malalimang imbestigasyon hinggil sa motibo sa nasabing panghahagis ng granada. Ngunit una ng sinabi ng taga-pagsalita ng CPPO na si PS/Supt. Bernard Tayong na posebling personal grudge ang nasa likod sa nasabing grenade throwing.
(Report from Jessie Ali)

Facebook Comments