TUAO DISTRICT HOSPITAL, NAGSAGAWA NG KAMPANYA LABAN SA PAPUTOK AT DISGRASYA

CAUAYAN CITY – Bilang paghahanda para sa pagsalubong ng Bagong Taon, nagsagawa ng kampanya ang Tuao District Hospital laban sa mga paputok at disgrasya sa kalsada.

Ginanap ang kampanya sa pamamagitan ng isang motorcade, kung saan ipinaabot sa publiko ang mga panganib na dulot ng mga paputok, tulad ng pagkaputol ng daliri o kamay at ang posibilidad ng pagkamatay.

Kasama rin sa kampanya ang pagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga aksidente sa kalsada, kung saan karamihan sa mga insidente ay kinasasangkutan ng mga motorista na nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.


Bilang karagdagan, nagsagawa ang ospital ng Simulation Drill upang tiyakin ang kahandaan ng kanilang Emergency Room (ER) sa pag-handle ng iba’t ibang uri ng emergency cases.

Nagbigay din ng panawagan si Dr. Nicasio Galano Jr., Chief of Hospital ng Tuao District Hospital, sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng mga katulad na kampanya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Facebook Comments