Tubig baha – ginawang ilog ng mga bata sa Taytay, Rizal

Taytay, Rizal – Mistulang sapa at ilog ang tubig baha sa Taytay, Rizal matapos magtampisaw ang mga bata sa baha bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan.

Kung kanina ay umabot na hanggang baywang ang tubig baha dito sa Taytay, Rizal dahil sa humina na pagbuhos ng ulan ngayon ay hanggang tuhod na lamang ang tubig baha.

Ayon kay Taytay NDRRMO Head Engr. Elmer Espiritu, maraming lugar sa Taytay, Rizal ang bumaba na ang tubig baha gaya ng sa Maria Clara, Isagani, Pulong Barit at E. Rodriguez at sa San Juan at San Isdro na kanina umabot hanggang baywang.


Una rito, dahil sa patuloy ng pagbuhos ng ulan sa lalawigan sinuspinde na ang klase sa lahat ng level sa Cainta, Cardona, Taytay, Morong at Teresa Rizal habang sinuspinde naman sa PreSchool at Senior High School ay walang pasok sa Tanay, Binangonan, Angono, Baras at Antipolo sa pampubliko at pribadong paaralan.

Dahil sa pagbaha ay masayang masaya ang mga bata sa pagtatampisaw sa tubig baha na mistulang ilog at sapa at walang pakialam ang mga ito kung magkakasakit sila ng leptopirosis dahil sa ihi ng daga na humahalo sa tubig baha.

Pinayuhan naman ni Espiritu ang mga magulang ng mga bata na huwag hayaan ang kanilang mga anak na magtatampisaw sa tubig baha dahil hindi nila segurado kung mayroong ihi ng daga ang tubig baha sa lugar.

Facebook Comments