
Pinasok ng tubig-baha ang tahanan ng pamilya Merong sa Pangalangan, San Carlos City habang sila ay naglalamay sa kanilang yumaong lolo.
Batay sa kuhang video ni Ryza Paris Gamboa Merong, isang kaanak ng pamilya, makikitang unti-unting pumasok ang tubig sa loob ng bahay dahil sa halos walang tigil na ulan nitong mga nagdaang araw.
Ayon kay Ryza, nasawi ang kaniyang lolo nitong Lunes, Setyembre 22.
Sa kabila ng pagtaas ng tubig at hirap ng kalagayan, hindi nagpadaig ang pamilya at ipinagpatuloy ang pagbibigay-pugay at pananalangin para sa kanilang mahal na pumanaw.
Samantala, nararanasan nang muli ang malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng Pangasinan dahil sa pag-apaw ng mga ilog.
Sa huling tala, higit 3,000 Pangasinense na ang apektado ng mga nagdaang sama ng panahon.









