TUBIG BAHA SA ILANG BARANGAY SA BAYAN NG CALASIAO, NAKITAAN NA NG PAGBABA; LAGAY NG MARUSAY RIVER, NASA MABUTING KALAGAYAN NA

Dahil sa tuloy-tuloy na pagbuti ng panahon, nakitaan na ng pagbaba ang antas ng tubig sa Marusay River maging sa ilang barangay sa bayan ng Calasiao.
Base sa pinakahuling monitoring ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council Calasiao nasa 6.2 feet above normal na ang lagay ng Marusay River na noong kasagsagan ng sama ng panahon noong nakaraang linggo ay umabot ito sa critical level nito na nasa mahigit 10 ft. na nagdulot ng maraming pagbaha sa bayan partikular na sa mga low-lying areas na barangay.
Base rin sa pinakahuling monitoring ng MDRRMC, ilang Sitio nalang at ilang Barangay pa ang may tubig baha gaya na lamang ng Sitio Cabuaan sa Vrgy. Doyong, Brgy. Longos na may hanggang dalawang talampakan at sa Brgy. Talibaew na may ilang lugar dito ang hanggang bewang pa ang tubig baha dahil sa sobrang baba ng elevation ng mga kabahayan na nasa tami lamang ng ilog.

Ngunit sa naging panayam naman ng IFM Dagupan sa ilang residente ay gumaan na umano ang kanilang pakiramdam dahil kahit papaano ay humupa na ang baha at upang makabalik na rin sa normal.
Samantala, nito lamang Sabado ay nabigyan ng tulong pinansyal ang mga lubhang naapektuhan ng baha at mula ito sa DSWD at sa isang senadora na bumisita sa bayan kung saan nasa isang libong residente ang nabigyan ng tig-3,000 bawat isa. |ifmnews
Facebook Comments