Mula sa 15.3 meters na naitala bandang alas-9:00 kagabi, bumaba na sa 14.9 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River kaninang madaling araw.
Kasabay ng pagbaba ng tubig baha, inalis na rin sa first alarm ang alarma sa ilog.
Sa ulat ng Rescue 161 ng Marikina Local Government Unit (LGU), wala nang naitalang mga pag-ulan sa mga bulubunduking lugar sa Mt. Campana, Mt. Boso-Boso, Mt. Aris, Mt. Oro at Nangka hanggang alas-4:00 kaninang madaling araw.
Malaki ang kontribusyon ng mga ulan na nanggagaling sa mga bulubunduking lugar na nagpapataas sa lebel ng tubig sa ilog kahit hindi umuulan sa Marikina.
Kapag magtuloy-tuloy na ang hindi pag-ulan ngayong umaga, bababa pa ang lebel ng tubig sa Marikina River.
Facebook Comments