Patuloy na inirereklamo ng mga residente ng Sitio Aliguas sa Brgy. Pantal, Dagupan City ang hindi paghupa ng tubig-baha dahil mas mataas umano ang butas ng drainage kaysa sa lebel ng lansangan.
Ayon sa panayam sa ilang residente na tumangging humarap sa camera, mabilis na naiipon ang tubig tuwing umuulan dahil hindi ito dumidiretso papunta sa kanal.
Lumalala pa umano ang sitwasyon dahil sa pagtatapon ng basura ng mga dumaraan na bumabara sa daluyan.
Isinangguni na rin ito sa barangay at nagsagawa na ng paglilinis, ngunit patuloy na bumabalik ang problema.
Sa ngayon, isang beses kada linggo na lamang umaasa sa sariling paglilinis ang mga residente upang mabawasan ang basura at pagbaha.
Matatandaang umabot hanggang baywang ang tubig sa kasagsagan ng Bagyong Uwan, antas na hindi umano nararanasan bago ang pagpapataas ng kalsada sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









