TUBIG NA MAY GAS? | Ilang residente sa maasin city, naospital matapos maka-inom ng kontaminadong tubig

Maasin City – Patuloy na iniimbestigahan ng lokal na pamahalaan ng Maasin City ang nangyaring insidente ng pagkaka-kontaminado ng kanilang tubig.

Nabatid na naglasang gas ang tubig na dumaloy sa mga gripo kung saan isinugod sa pagamutan ang ilang residente.

Sinasabing mayroong nakapasok sa main source ng Maasin City water district at hindi pa malaman kung anong ginawa nito.


Agad naman nagsagawa ng decontamination at flushing procedure ang pamunuan ng water district para malinis ang supply ng tubig.

Facebook Comments