TUBIG NA NAIIPON SA MGA PALAYAN SA ASINGAN, MAHIGIT SAMPUNG TAON NANG PROBLEMA NG MGA MAGSASAKA

Isang dekada at higit na ang kalbaryong nararanasan ng nasa dalawandaang magsasaka sa asingan dahil sa tubig na naiipon sa kanilang mga palayan.
Ito ay dahil sa kawalan diumano ng mga maayos na daluyan ng tubig papalabas ng kanilang sakahan.

Ayon sa presidente ng Grain Acres Farmers Association, problema na nila ito dati pa lalo na tuwing tag-ulan. Hindi nabubuhay ang kanilang pananim dahil hindi makatakbo palabas ang tubig na naiipon roon.

Isinangguni naman ang problemang ito sa lokal na pamahalaan ng Asingan.

Pahayag naman ng alkalde ng bayan, itinawag na niya ang isinangguning problema sa gobernador ng Pangasinan at agad naman nagpahatid ng serbiyo.

Dagdag na hayag pa ng alkalde, isa ito sa una umanong inayos na problema sa kanilang bayan pero sadyang naiipon ng mabilis ang mga kanal dahil rin sa dami ng basura.

Samantala, upang maisaayos ang problema ay huhukayin ng mahigit dalawang kilometrong lalim ang de-silted irrigation canal gamit naman ang backhoe na ipinahiram ng Provincial Government. |ifmnews


Facebook Comments