Tubig sa Angat Dam ,lalo pang bumaba pa ngayong umaga habang nadagdagan naman sa La Mesa Dam

Lalo pang bumaba sa critical level ang tubig sa Angat Dam.

Base sa pinakahuling water elevation ng dam kaninang alas sais ng umaga, pumalo na sa 159.43  Meters ang level ng tubig dito.

Mas mababa kumpara sa 159.78 Meters na naitala kahapon ng alas sais ng umaga.


160 Meters ang critical low level ng Angat  habang nasa 180 naman ang  minimum operating water level nito.

Samanatala ang lebel naman ng tubig sa  La  Mesa Dam as of 6am kaninang umaga ay nasa 68.65 Meters at nadagdagan ang tubig dahil sa pag uulan.

Mas tumaas ito kumpara kahapon kung saan naitala ang water elevation sa 68.62 Meters dakong alas sais ng umaga .

Alas 3 ng madaling araw kanina ng itala ang 68.64 na pag taas ng lebel ng tubig at  nadagdagan pa  pagsapit ng alas sais ngayong umaga.

Facebook Comments