Tubig sa Angat Dam, posibleng bumaba pa sa “near low water level” pagsapit ng Abril

Inaasahang mas bababa pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa mga susunod na buwan.

Ayon kay PAGASA Hydrologist Richard Orendain, posibleng bumaba pa sa 182 meters o “near low water level” ang lebel ng tubig sa Angat Dam pagsapit ng Abril.

Aniya, sa buwan naman ng Mayo ay inaasahang mas bababa pa ito sa 175 meters habang sa Hunyo ay nasa 173 meters.


Batay sa PAGASA, malalagay sa “low water level” ang tubig ng Angat Dam kapag pumalo sa 180 meters at “critical level” kapag sumadsad sa 160 meters.

Dahil dito, umapela ang PAGASA sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng tubig para maiwasan ang kakulangan sa mga susunod na buwan.

Facebook Comments