Tubig sa Angat Dam, target paabutin hanggang dumating ang tag-ulan sa susunod na taon

Target ng National Water Resources Board (NWRB) na paabutin hanggang sa susunod na tag-ulan ang tubig sa Angat Dam.

Ito ay kung hindi pa rin mapupunan ng mga pag-ulan ngayon taon ang bumababang lebel ng tubig sa Angat.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David Jr. – mananatili sa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila hangga’t hindi nakakabawi ang Angat.


Umapela rin ang NWRB sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig sa harap ng ipinatutupad na water service interruption.

Sa ngayon, nasa 185.28 meters ang water level sa Angat Dam, mas mababa sa 185.36 meters na naitala kahapon.

Bahagya ring nabawasan ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ipo, Ambuklao at Binga Dam habang nadagdagan ang sa San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.

Facebook Comments