Nagpapakawala ngayon ng tubig ang dalawang dam sa Luzon batay sa monitoring ng PAGASA Hydro-meteorology Division.
Ayon sa PAGASA, tig-wawalong gate ang bukas ng Ambuklao Dam at Binga Dam.
Aabot sa 5 meters ang opening sa walong gate ng Ambuklao Dam habang nasa 5.5 meters naman sa Binga Dam.
Dahil dito, pwedeng makaapekto sa mga lugar na nasa gilid ng ilog ang pinapakawalan na tubig ng Ambuklao at Binga Dam.
Samantala, ang Angat Dam naman ay patuloy na umaangat ang antas ng tubig.
1.34 meters ang nadagdag na tubig sa Angat Dam kaya aabot na sa 182.98 meters ang lebel ng tubig nito.
Tumaas din ang antas ng tubig ng Ipo, La Mesa, San Roque, Pantabangan, at Magat.
Bukod tanging ang Caliraya Dam ang nabawasan ang lebel ng tubig ngayong umaga.
Facebook Comments