TUBIG SA ILOG NG LINGAYEN, SINURI

Nagsagawa ng water sampling ang Research Institute for Tropical Medicine katuwang ang iba pang ahensya sa ilang kailugan sa Lingayen.

 

Ang aktibidad ay bahagi ng TULIP Project upang masuri at matugunan ang antimicrobial resistance o pagiging immune o hindi tinatablan ng antibiotic ang mga mikrobyo sa katubigan.

 

Sa isang pag-aaral noong 2005, nakitaan ng antibiotic-resistant bacteria ang bahagi ng Lingayen Gulf na iniuugnay sa pangisdaan at polusyon.

 

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng datos ang tanggapan upang matukoy ang mekanismo ng isyu.

 

Inaasahang tutugon din sa sektor ng kalusugan at kalikasan ang makakalap na datos sa naturang pagsusuri. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments