Tubig sa Marikina river, unti-unti nang bumababa

Marikina – Unti-unti nang bumababa ang antas ng tubig sa Marikina river.

Sa pinaka huling datos na nakuha natin sa Marikina PIO sa ngayon nasa 15.8meters ang lebel ng tubig sa marikina river mula sa 16meters.

Matatandaang mag aalas ocho ng umaga kanina nang itaas sa ikalawang alarma ang Marikina river.


Pinatunog pa ang serena sa paligid ng ilog hudyat nang posibleng paglikas.

Pero dahil bumaba na ang lebel ng tubig, wala nang dahilan upang magsagawa pa ng evacuation sa mga lugar na madalas binabaha.

Kanina, isang sasakyan pa ang inanod makaraang maiwan ito sa jogging lane buti na lamang at may lubid na naitali sa sasakyan kung kayat hindi na ito tinangay pa ng malakas na agos ng ilog.

Facebook Comments