Nararamdaman na ang pagtaas sa lebel ng tubig sa Marikina River dahil sa mga pag-ulan dala ng southwest monsoon o habagat.
Ayon sa Public Information Office (PIO) ng Marikina City, nasa 14.2 meters na ang water level sa ilog as of 6 am kanina at walong sentimetro na lamang bago itaas sa alert level 1 na 15 meters.
Gayunman, naka-standby na ang rescue personnel at equipment ng Local Government Unit (LGU) sa posibilidad na magtuloy-tuloy ang pag-uulan.
Ang malakas at patuloy na buhos ng ulan sa upstream areas na nakapaligid sa Marikina City ang dahilan ng pagtaas ng tubig sa ilog na dumadaloy patungo sa Laguna Lake at Manila Bay.
Katunayan walang naitalang flooded areas sa Marikina at tanging ang binabantayan lang ay ang nasabing ilog.
Facebook Comments