TUBONG CAGAYAN, PASOK SA TOP 8 CPA BOARD EXAM

Cauayan City – Kahanga-hangang ipinamalas ni Johannah Faye Navarro mula Baggao, Cagayan ang husay matapos makuha ang ika-walong pwesto sa buong bansa sa katatapos lamang na December 2024 Licensure Examination for Certified Public Accountant.

Nakakuha si Navarro ng iskor na 88.0%, kasama ang anim pang topnotchers sa parehong posisyon.

Siya ay nagtapos sa Cagayan State University (CSU) Andrews Campus.


Sa kabuuang 10,136 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa, 3,058 lamang ang pumasa, na katumbas ng 30.17% passing rate.

Isang karangalan para sa Cagayan at sa CSU ang tagumpay na ito ni Navarro na patunay ng dedikasyon at husay ng mga Cagayano.

Facebook Comments