TUCP, gustong mag-sorry si Ramon Tulfo dahil sa pang-iinsulto umano sa mga Pinoy workers

Manila, Philippines – Hinihingi ngayon ng pinakamalaking labor group ang paghingi ng paumanhin ni Special Envoy to China Ramon Tulfo dahil sa pag-insulto umano sa mga manggagawang Pinoy.

Tugon ito TUCP President Raymond Mendoza sa pahayag ni Tulfo na mas masipag at seryoso sa trabaho ang mga Chinese workers.

Diretso kasi aniya ang mga ito sa trabaho kung ikukumpara sa mga Pinoy na nakikipagkuwentuhan at may ibang ginagawa bago pormal na magsimula sa trabaho.


Tinawag ni Mendoza an insensitive  ang paglalarawan ni Tulfo dahil kilala naman ang mga Pinoy sa buong mundo  na nagpapakita ng mataas na  kalidad at dedikasyon sa trabaho.

Una namang ikinatwiran ni Tulfo na ang kaniyang opinyon ay ibinatay niya sa mga feedback mula sa private sector, partikular sa construction industry.

Sinabi ni Mendoza, sa halip na pumuna, mas makabubuti sana kung umapela na lamang si Tulfo sa mga manggagawang Pinoy na pagbutihin ang kanilang work ethic.

Facebook Comments