Hihilingin na rin ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na itaas ang minimum na arawang sahod ng mga manggagawa sa CALABARZON .
Ngayong umaga, pormal na ihahain ng Labor group ang petition for wage increase sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region 4A sa Calamba City, Laguna.
Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, nasa P400 lang ang kasalukuyang arawan na minimum na sahod sa Region 4A na hindi na nakakasapat sa gastusin ng bawat manggagawa.
Ang CALABARZON Region 4A o Southern Tagalog regions ay binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon kabilang ang Sta. Cruz, Calamba, Trece Martires, Dasmarinas, Imus, Antipolo, Lucena, Batangas City at Lipa City.
Facebook Comments