Manila, Philippines – Hiniling kay Pangulong Duterte ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na sertipikahang urgent bill ang inihaing security of tenure bill ni Senator Joel Villanueva.
Gusto ng TUCP na ma-file muli ang bersyon ng security of tenure bill na vineto ni Pangulong Duterte.
Ihahain din muli ng TUCP ang nauna nilang security of tenure bill sa House of Representatives sa pamamagitan ni TUCP Party-list Representative Raymond Mendoza.
Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, sa ilalim ng isinusulong nilang security of tenure bill, planong magtatag ng tripartite councils bawat industriya na magdedetermina sa mga posisyon na mahalaga sa core business at kinakailangan nang ituring na regular worker sa principal na pinagtatrabahuhan.
Apela ng grupo kay Duterte, huwag magpapadala sa mis-information ng foreign and local businessmen at sa sulsol ng kaniyang mga economic managers upang paikutan lamang ang anti-endo bill.