TUCP, hiniling sa gobyerno na bigyan ng cash subsidy ang mga workers na maapektuhan kapag ipinatupad ang COVID-19 lockdown scenario

Nanawagan na ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng cash subsidy ang mga manggagawa na posibleng ma-displaced kapag ipinatupad ang lockdown sa mga lugar na apektado ng COVID-19 outbreak.

Partikular na ipinakikiusap ng labor group ang pagbibigay ng cash subsidy sa mga daily-paid workers at sa mga ‘no-work no-pay’ employees.

Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, maaari naman daw kunin ang pondo sa Social Fund ng Presidente.


O ‘di kaya ay sa contingency fund ng executive department gamit ang kasalukuyang mekanismo ng community-based emergency assistance ng Department of Labor and Employment o DOLE na Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Pinangangambahan ng labor group na kapag naipatupad ang lockdown scenario, maraming manggagawa ang maaapektuhan.

Sabi pa ng labor group, marami ding sa sektor ng manggagawa ay umaasa lang sa kanilang arawang kita.

Facebook Comments