TUCP, humingi ng P425 daily wage increase para sa Caraga Region

Naihain na ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Wage Board ang P425 daily wage increase petition para sa mga manggagawa sa Caraga Region 13.

Ayon kay TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, hindi na nila nilagyan ng ‘Across-the-Board’ ang kanilang petition upang hindi na maantala ang paglabas ng bagong Wage Order.

Paliwanag pa ni Tanjusay, mas mahalaga aniya ngayon na madagdagan kaagad ang sahod ng mga manggagawa sa Region na kasalukuyang tumatanggap lang ng P320 na Minimum na arawang sahod.


Binigyang diin pa ni Tanjusay na tatalakayin nila ang isyu sa tamang pagkakataon subalit, mas importante aniya ngayon ang mabilis na paglabas ng Wage Order.

Batay sa pag-aaral ng TUCP, nasa P640 kada araw ang dapat na halaga na kailangan ng isang pamilya upang makaagapay sa kahirapan.

Sakop ng petition ang lahat ng mga minimum waged earners sa Region kabilang ang nasa Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Norte, Surigao del Sur kasama ang Butuan, Bayugan, Bislig, Cabdbaran, Surigao City, at Tandag.

Facebook Comments