TUCP, iginiit na hindi dapat mandatory ang vaccination at testing sa onsite workers

Tinuligsa ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagbuhay sa polisiya na gawing mandatory ang vaccination at testing sa unvaccinated onsite workers.

Ayon sa labor group, ang patakarang ito ay lilikha lang ng kawalan ng trabaho at underemployment opportunity sa gitna ng pagsisikap na makabangon ang ekonomiya mula sa pandemya.

Ayon kay TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, tiyak din aniya na mababawasan ang produksyon at mawawala ang pagiging mapagkompitensya.


Sabi pa ni Tanjusay na direkta umanong tatamaan ang mga nakamit na at madiskaril ang momentum ng paggawa at negosyo.

Giit pa ng TUCP, hindi dapat gawing mandatory ang vaccination at ang gastos sa COVID-19 tests ay dapat libre at hindi pinapasa sa mga manggagawa.

Facebook Comments