TUCP, iginiit na panahon na para magkaroon ng mandatory disaster protocols

Napapanahon na para magtakda ang gobyerno ng isang mandatory workplace emergency protocol standards.

Ito ang iginiit ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) matapos makatanggap ito ng maraming sumbong na tumanggi ang ilang employers na i-evacuate ang kanilang mga empleyado noong kasagsagan ng 6.1 magnitude na lindol.

Ayon kay Raymond Mendoza, presidente ng TUCP, sa ngayon kasi ay walang malinaw na panuntunan na huhugis sa importanteng aspeto ng workplace safety sa panahon ng  emergency situations tulad ng lindol o sunog.


Aniya, ilan lamang ang responsableng employers na nagkusa na naglagay ng sariling evacuation protocols.

Ilan sa mga ito ay kumuha pa ng safety officers at boluntaryong bumuo ng kanilang sariling  safety evacuation plans.

Isinusulong ng TUCP na maisama sa mga susunod na wage board tripartite dialogue sa pagitan ng gobyerno, employers at mga lavor groups ang pagbalangkas ng polisiya para sa mandatory workplace emergency protocol standards.

Facebook Comments