TUCP, inirekomenda ang pagkakaroon ng comprehensive heat risk action plan sa mga workplaces

Nananawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa lahat ng mga lugar ng trabaho na doblehin ang mga hakbang sa pag-iingat upang maprotektahan ang kalusugan ng mga manggagawa mula sa sobrang init.

Partikular na inirerekomenda ng TUCP ang pagpapatupad ng comprehensive heat risk action plan.

Nagpapaalala ang TUCP sa Department of Labor and Employment (DOLE) Labor Advisory No. 8, na nag-aatas sa lahat ng mga employer na magsagawa ng aksyon sa panganib sa kalusugan ng matinding init.


Kabilang dito ang pagbibigay ng mas mahusay na bentilasyon at sapat na tubig.

Pagtatakda ng oras ng mga pahinga at maglunsad ng mga kampanya sa impormasyon at edukasyon tungkol sa kung ano ang stress sa init at kung paano maiiwasan ito.

Panawagan ng TUCP, magkaroon ng social dialogue sa pagitan ng mga manggagawa at mga employer sa pamamagitan ng Occupational Safety and Health (OSH) Committee sa bawat lugar ng trabaho.

Alinsunod na rin ito sa R.A. 1105 na kilala bilang OSH Law, upang bigyan ng prayoridad ang mga hakbang na dapat gawin, gaya ng Heat Risk Action Plan.

Facebook Comments