Kinokondisyon umano ng Employers Confederation of the Philippines ang isip ng mga employers na huwag maghire ng kababaihang manggagawa upang mapaikutan ang Expanded Maternity Leave Law
Tinukoy ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) President Raymond Mendoza ang inisyal na resulta ng survey ng ECOP na nagpapakita na 68% hanggang 70% ng mga amo ay naniniwala na dagdag gastusin ang naturang batas.
Sa ilalim ng RA 11210, ang mga nagtatrabahong nanay ay may karapatan na sa 105 days o katumbas ng tatlong buwang bayad na maternity leave at maari pang mapahaba ng tatlumpung araw pero wala ng bayad.
Nagbabala si Mendoza sa employers na lalabagin nila ang batas sa sandaling mag discriminate sila ng women workers.
Dahil dito, nanawagan ang TUCP sa Department of Labor and Employment na mahigpit na imonitor ang mga kumpanya na miyebro ng ECOP.