
Binigyang-diin ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang suporta sa House Bill No. 7432 o panukalang “no work, no pay” para sa mga mambabatas na isinusulong ni House Majority Leader Rep. Sandro Marcos.
Ayon kay House Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza, kapag naipatupad ay makakatulong ang panukala para makapagsagawa ng mas maraming pagdinig ang Kamara patungkol sa mga panukalang batas na makabubuti sa mamamayang Pilipino.
Pangunahing tinukoy ni Mendoza ang mga panukalang para sa mga manggagawang Pilipino at kanilang pamilya na nagsusulong ng umento sa sahod, seguridad sa trabaho at mababang buwis.
Diin ni Mendoza, kung lubos na magtatrabaho ang Kongreso ay uusad ang nabanggit na mga panukalang batas na tiyak pakikinabangan ng taumbayan.










