TUCP, naniniwalang dahil sa eleksyon ang pagdami ng trabaho

Naniniwala ang grupo ng mga manggagawa na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dumami ang manggagawang nagkatrabaho nitong nakaraang mga buwan dahil sa campaign ng national at local elections activities.

Ayon kay TUCP Spokesman Alan Tanjusay, maraming mga kumakandidato sa local at national elections ang kumuha ng mga manggagawa na tumutulong sa kanilang kandidatura kung kaya’t dumami ang nagkatrabaho ngayon.

Dagdag pa ni Tanjusay na nakadagdag din sa dami ng nagkatrabaho ang collateral materials na ginagamit sa kampanya kasama na ang logistics ng mga ito sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.


Sinabi ni Tanjusay na mataas din ang underemployment rate sa pagdami ng trabaho na nangangahulugan na may trabaho nga ngunit hindi sapat ang sweldo.

Dagdag pa ni Tanjusay, mas mainam sana ang pag-unlad ng ekonomiya kung maraming may trabaho at sapat na sweldo ng mga manggagawa.

Facebook Comments