Mariing kinokondina ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagpasok ng mga pulis sa loob ng TUCP Labor Center compound sa Quezon City.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza, walang bitbit na search warrant ang mga pulis kung saan kinunan ng picture ang kanilang daily attendance list at tinatanong ang mga staff sa lugar na inuuwian ng mga pangunahing TUCP officials.
Ayon pa kay Mendoza, isang malinaw na harassment ang nangyari.
Para sa TUCP, isa itong mensahe upang takutin ang pinakamalaking trade union movement na ang tanging adbokasya ay iorganisa ang mga union ng mga manggagawa
Dagdag ni Mendoza, ang pagpasok sa TUCP compound ay direkta umanong paglabag sa Constitutional rights ng mga manggagawa at sa International Labour Organization (ILO) Conventions 87 at 98.